Paano Magsimula sa Mga Aklat sa Seryeng ito


	Mga Pangunahing Elemento ng Buhay-Kristiyano Tomo 1 
	Mga Pangunahing Elemento ng Buhay-Kristiyano Tomo 2 
	Ang Nagpapaloob ng Lahat na Kristo 
	Ang Ekonomiya ng Diyos 
	Mga Pangunahing Elemento ng Buhay-Kristiyano Tomo 3 
	Ang Kaalaman sa Buhay 
	Ang Maluwalhating Ekklesia

Maaaring mai-download ang mga aklat sa seryeng ito bilang mga PDF file. Kakailanganin mo ang na libreng magagamit na Adobe Reader upang tingnan at imprenta ang mga PDF files. Mangyaring suriing mabuti ang patakaran sa pamamahagi kung saan pwedeng makuha ang mga file na ito. Ang mga lathalaing pwedeng i-download ay nakaayos sa isang tiyak na pagkakasunud-sunod, mula sa pinakapangunahing nilalaman hanggang sa pinakamataas. Ang kaayusan na ito ay nilayon upang maragdagan ang inyong pag-unawa at pagpapahalaga sa mga paksang ipinakita.

Sa pagpapatuloy sa pitong aklat, mangyaring magsimula sa Mga Pangunahing Elemento ng Buhay Kristiyano, Tomo 1; ito ay magsisilbing panimula sa serye. Pagkatapos, basahin ang susunod na hanay ng tatlong aklat sa pagkakasunud-sunod na ipinakita. Ang ikalawang set na ito ay sumasaklaw sa ilang pangunahing malusog na mga pagsasagawa ng mga Kristiyano, ipinakikilala si Kristo bilang ang realidad ng bawat positibong bagay at ang sentro ng walang hanggang plano ng Diyos, na tinatawag sa Biblia na "ekonomiya ng Diyos" (1 Tim. 1:4). Sa pamamagitan nito bilang pundasyon, ang huling tatlong aklat ay naghahayag ng mga progresibong karanasan ng mga mananampalataya sa dibinong buhay at naglalahad ng sukdulang layunin ng Diyos sa pamamagitan ng ekklesia. Umaasa kami na ang hakbang-hakbang na pagbabasa sa buong serye ay makatutulong na malaman ang Diyos at ang Kanyang layunin.